Tuesday, July 24, 2007

tanong...

pag ang tao'y malamlam, luklukan ng tanglaw
hinipan ng hangi't namatayan ng ilaw
may boses bang tatawag at sa kanya'y magliligtas
o dapat siyang tumayong kusa't maghanap ng lakas

pag ang puso'y nabitawan at biglang bumagsak
hinalikan ang sahig at sadyang nabasag
bubog at salamin dapat bang iwasan
o sumugal at pulutin kahit pa masugatan

kung ang katawa't espiritu ay binalot ng nginig
sa takot, sa lungkot at damdaming malamig
sa apoy at sa init, siya ba'y lalapit
o yayakapin na langang sarili ng mahigpit

kung nabuo at bumuo ang sarili ng tanong
nang isipa'y nagbukas at biglang bumulong
maghahanap ba siya't maglalaan ng pagod
o hahayaan na lamang manahimik ang sagot?



wrote this just recently with nothing quite in mind.... sorry if it's not that good...

No comments: